Parol Ni Carla, Nagmamadali Si Carla Sa Pagpasok Sa Paaralan. Masayang-Masaya Siya Sapagkat Natapos
Parol ni Carla
Nagmamadali si Carla sa pagpasok sa paaralan. Masayang-masaya siya sapagkat natapos niya ang kaniyang proyektong parol. Katulong niya ang kaniyang buong pamilya sa paggawa nito. Habang bitbit niya ang parol ay nasagi siya ng isang batang nakikipaghabulan sa kaklase nito, dahilan upang mapahagis ang bitbit na parol ni Carla at nasira ito.
Halos umiyak na si Carla sapagkat mahuhuli na siya sa kaniyang klase at nasira pa ang kaniyang proyektong parol.
“Naku, paano na iyan, wala na akong ipapasa kay Ma’am,” himutok ni Carla.
“Pasensiya na, hindi kita napansin kasi naghahabulan kami,” paumanhin ng nakasaging bata.
“Tutulungan na lamang kitang mabuo ulit ang parol,” wika pa ng batang nakasagi.
Pumayag naman si Carla at magkasama silang nagpaliwanag sa guro kung bakit nasira ang parol.
Nang araw ding iyon ay magkatulong na ang dalawang bata sa pagbuo ng parol ni Carla. Magkasama nila itong ipinasa sa guro at naging magkaibigan pa silang dalawa.
.Isalaysay ang nangyari habang naglalakad si Carla patungo sa kaniyang silid-aralan.
2.Tama ba ang ginawang paghingi ng paumanhin ng batang nakasagi?
3.Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo sa nakasagi sa iyo?
4.Paano itinuwid ng batang nakasagi ang kaniyang pagkakamali? Tama ba ang kaniyang ginawa?
5. Sa iyong palagay, ano pa ang ibang paraan upang maituwid ang nagawang pagkakamali?
Answers:
1. Habang papasok si Carla ay nasagi siya ng batang nakikipaghabulan sa kanyang kaklase at dahil dito ay nasira ang dala niyang proyektong parol na kailangan niyang ipasa sa kanyang guro.
2. Oo, ang paghingi ng paumanhin ng bata ay nagpapakita ng pag-amin sa kasalanang ginawa. Aminado naman siya na hindi niya napinsin si Carla kaya ganon na lamang ang paghingi niya ng tawad.
3. Ang pauna kong sasabihin ay, ano ka ba naman bakit hindi ka tumitingin at dito kayo naghahabulan. At ipapakita ko na akoy galit.
4. Sinabi niya kay Carla na tutulungang niya itong buuin ulit ang nasirang parol at magkasama silang nagpaliwanag sa kanilang guro tungkol sa nangyari. Tama ito dahil siya ang may kasalanan at iyun ang mainam na gawin.
5.Ang pagpapakita ng totoong pagsisisi sa nagawang kasalanan ang pinakamainam na paraan upang maituwid ito at huwag na ulit itong gagawin.
#BRAINLYEVERYDAY
Comments
Post a Comment