1.A. Panuto: Basahin Ang Mga Sumusunod Na Pangungusap At Bilugan Ang Salitang Hiram., 1. Kailangan N
1.A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at bilugan ang salitang hiram.
1. Kailangan nating gumamit ng facemask bilang proteksyon sa sakit na covid-19.
2. Ang laptop ay karaniwang ginagamit ng mag-aaral para sa kanilang mga aralin.
3. Si Aling Adela ay nagluto ng spaghetti para sa kanyang kaarawan.
4. Malakas ang volume ng speaker ng aming kapitbahay kaya hindi ko narinig ang iniutos ng aking nanay.
5. Bumili ng bagong washing machine si nanay para mapabilis ang kanyang paglalaba.
6. Masarap uminom ng malamig na juice kapag mainit ang panahon.
7. Gumagamit ako ng calculator paminsan-minsan sa pagtutuos.
8. Marami sa mga kabataan ay nahuhumaling sa gadgets.
9. Kailangang gumamit ng earphone ni Nico para mas maunawaan nya ang sinasabi ng kanyang guro sa kanilang online class.
10. Maraming kababaihan ang naglalaro ng volleyball sa plasa.
Answer:
1. facemask
2. laptop
3. spaghetti
4. speaker
5. washing machine
6. juice
7. calculator
8. gadgets
9. earphone
10. volleyball
Comments
Post a Comment