D. Bintana Ng Pag-Unawa. Basahin Ang Mga Nakalagay Sa Bawat Bilang. Pagkatapos Ay Ibigay Ang Panguna

D. Bintana ng Pag-unawa. Basahin ang mga nakalagay sa bawat bilang. Pagkatapos ay ibigay ang pangunahing idea nito. Maging gabay sa pagsagot ang mga tanong at ang ang pamantayang nakalakip. I-type ang kasagutan sa kahong makikita.

PAMANTAYAN

3

Napakahusay ng binanggit na pangunahing idea. Mababasa sa sagot ang tugon sa tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit, at Paano.

2

Mahusay ang binanggit na pangunahing idea. May isang tanong ang hindi nasagot.

1

Sapat ang pagkakalahad ng pangunahing idea. May dalawa o mahigit pang tanong ang hindi nasagot.


20-22.

Ayon sa mga dalubhasa, ang salitang Ifugao ay mula sa salitang Ipugo na ang ibig sabihin ay “mula sa burol”. Ayon naman sa mitolohiya ng Ifugao, ito ay nagmula sa salitang Ipugo na tumutukoy sa isang uri ng palay na ibinibigay sa kanilang Diyos na si Matungulan.

Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Ifugao. Sila ay karaniwang nagtatanim ng palay, kamote, at iba’t ibang gulay. Mahusay rin silang gumawa ng mga basket, mga kagamitang pandigma, at ng iba’t ibang uri ng mga hinabing kasuotan. Nakilala rin ang mga Ifugao bilang mahuhusay na mangangaso at mandirigma. Isang patunay rito ang mga sayaw-pandigma ng kanilang pangkat na tinatawag na Bangibang. Sinasayaw nila ito sa hagdan-hagdang palayan suot ang sombrerong pandigmang gawa sa mga dahoon, kahoy na panangga, palakol, at sibat.

likas din sa mga Ifugao ang pagkahilig sa kasiyahan. Nagsasagawa sila ng mga pagdiriwang bilang pagpupuri at pagpapasalamat sa kanilang Diyos para sa isang masaganang ani. Sinsamba rin nila ang kalikasan at kanilang mga ninuno. Sa mga ito sila naghahandog ng kanilang mga awit at panalangin (baki). Marami rin silang isinasagawang ritwal lalo na para sa mga patay, bata man o matanda, dahil sa paniniwalang may buhay pa matapos ang kanilang kamatayan.


23-25.
Ang Rehiyon V o Bikolandia ay isa sa mga rehiyong matatagpuan sa peninsula o tangway ng Bikol. Tangway o peninsula ang tawag sa isang anyong lupang may bahaging nakaunos at napaliligiran ng tubig. Ito ay binubuo ng anim na lalawigang nasa pinakatimog ng Luzon. Ang mga lupain sa Rehiyon V ay bako-bako, makikitid, at napaliligiran ng tubig. Sa silangan ay makikita ang Karagatang pasipiko, Dagat Sibuyan sa kanluran, Dagat Visayas sa timog, at lalawigan ng Quezon sa hilaga.

Maraming look, magagandang pangisdaan, at angkop na daungan ang rehiyon. Ilan sa mga ito ay ang Dagat Sibuyan at Dagat Lagusan. May mga lawa, ilog, bukal, at mga talon ding makikita rito gaya ng lawa ng Buhi at Bato na nasa Camarines Sur at Bulusan na nasa Sorsogon; mga Ilog ng Bicol sa Camarines Sur at Donsol sa Sorsogon; bukal ng Tiwi sa Albay; at mga talong makikita sa Bugsukan, Malabsay, Busay, at Manuat.

Makikita ang malawak na kapatagan ng rehiyon ng Camarines Sur, Sorsogon, at Albay. Makikita rin dito ang Bundok Isarog sa Camarines at ang Bundok Bulusan sa Sorsogon. Ngunit ang pinakatanyag na tanawin sa lugar na ito ay ang Bulkang Mayon na itinuturing na pinakamagandang bulkan sa buong mundo. Ito ay matatagpuan sa lalawigan ng Albay na amy taas na 2, 422 metro at kinikilala ring isa sa pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas. Ang bulking ito na amy perpektong kono ay sinasabing pumuputok tuwing sampung taon. Naitala ang pinakahuling pagsabog ng Bulkang Mayon noong taong 2018.

Answer:

sa baler po sana makatulong


Comments